madalas sumasabay sa pagkalat ng dilim
ang takot sa sarili.
Takot na baka di na muling masilayan ang araw.
Minsan pilitin mo mang kalimutan ang nakaraan, Gaya ng pagsapit ng gabi
ito'y kusang dumadating.
Di maiwasang matakot.
Matakot na baka bukas di ka silayan ng araw
at patuloy kang lamunin ng lungkot at takot.
Minsan panalangin ng puso kong pagod
sana wala ng gabi.
sana wala na ang lukot at takot na kaakibat sa pagsapit nito.
Upang makatulog ng mahimbing.
upang saya ang laging nadarama.
Hanggang ngayon ay di mawari kung saan galing ang takot
Ang lungkot na bumabalot sa puso kong mahina.
para akong isang ibong nasa hawla.
di makawala.
Pagod na sa pagkakulong.
sana'y tuluyan ng makawala.
No comments:
Post a Comment