Friday, May 4, 2007
mantra on politics
i really hate politics. i hardly speak on where i stand about politics. yes, i have my list of who i think deserves a spot on senate or malacanang but i choose to discuss it with myself. yes, with myself! Minsan pagnagkataong may mga kasama ako and make comments about politicians or the president, honestly, they irritate me. Kung magsalita kasi parang alam lahat. wala ka na marinig kundi puro reklamo. kesyo, di na umasenso ang pilipinas. kesyo kilalang kurakot,madaming kabit o sugalero. minsan kriminal pa daw. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit imbes na pag aralan nalang muna nila kung ano ang nakakabuti para sa bansa at saka nila tignan kung anu na nagawa ng nakaupo. Hindi yung puro dada at magrereklamo maghapon dahil hindi nagustuhan ang nagawa ng kasalukuyang presidente. Ano nga ba ang totoo? ano nga ba ang alam mo? Mahirap kasi sa mga pinoy gusto pag may binoto at nakaupo na ay sa loob ng isang araw ay mapapaganda na kaagad ang buhay nila. Na malalagyan na kaagad ng laman mga tiyan nila. Na maayos na kaagad mga buhay nila samantalang sila sa sarisariling buhay nila ay puro naman tamad. Maraming beses ko na narinig na si Presidente Gloria ay hindi nararapat sa pagjkakaupo nito sa malacanang kasi sa syang kurap at mandarambong. At madalas ibida si Erap kasi para daw sa mahirap. Pero napagaan ba ni erap ang buhay ng mahihirap? hindi ba sya naging kurap? hindi ba sya babaero? at sugalero? ano nga ba ang nagawa nya sa ekonomiya? sa buhay nag bawat pilipino? ano ba ang nagawa ni erap sa PISO? sa milyon milyong pinoy na wala trabaho? di ko lang talaga maintindihan kung bakit tayong mga pinoy mahilig magreklamo. Sa sarili naman nating buhay mga tamad at umaasa lang tayo.Pag di nakuntento kung ano anong paninira ang naiisip sa nakaupo. Hay! nagpapagod ka lang sa kakadada. di ako nagsasalita kasi pro-GMA ako...tignana lang natin mabuti kung ano ano na ang nagawa ng mga taong pinaniniwalaan natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment